BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates

DAVAO CITY – Patay ang isang parak at sugatan ang isang sundalo matapos silang mag-duelo sa labas ng palengke ng Tagum City sa Davao del Norte province.

Nakilala ang nasawi na si PO3 Jimmy Danio na naka-destino sa New Corella Municipal Police Station, at ang sundalo naman ay si si Cpl. Alonto Malawani ng Engineering Brigade sa 10th Infantry Battalion.

Naganap ang barilan kamakalawa ng hapon matapos umanong magtalo ang dalawa sa Tagum Public Market sa Barangay Magugpo West. Base sa inisyal na imbestigasyon ay posibleng away-trapiko ang pinagmulan ng gulo.

Pinagaaralan rin ng pulisya ang mga kuha ng CCTV sa naturang lugar. Wala naman naiulat na sugatang mga sibilyan sa naganap na enkwentro. Nasa pagamutan pa si Malawani sa kasalukuyan at walang pahayag ang 10th Infantry Division sa naganap. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://web.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
Share Our News

3,983 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer