
ISANG Pinay ang nahulihan sa Hong Kong International Airport ng halos 2 kilo ng hinihinalang cocaine at maaaring makulong ito ng habang buhay at magbayad ng multang HKD 5 milyon.
Ito ay ayon sa ulat ng lokal na media doon at matatagpuan sa link na ito ang balita – http://hongkong.coconuts.co/2015/03/03/hong-kong-airport-customs-arrest-29-year-old-filipina-18kg-suspected-cocaine.
Walang death penalty sa Hong Kong na dating nasa British rule matapos na alisin ang capital punishment doon noong 1993.
Bagama’t hindi agad inilabas ng mga awtoridad sa Hong Kong ang pangalan ng 29-anyos na Pinay ay nabawi umano sa kanya ang apat na pakete ng cocaine na itinago sa lining ng kanyang shoulder bag.
Galing sa Maynila ang Pinay, ngunit hindi naman mabatid kung saan nito nakuha o sino ang nagbigay ng droga sa kanya at kung paano ito nakalusot sa inspeksyon sa Ninoy Aquino International Airport.
Nagduda umano ang mga awtoridad sa Hong Kong International Airport dahil sa kakaibang bigat ng dala nitong shoulder bag at ng dumaan na ito sa inspeksyon ay doon bumulaga ang apat na pakete ng cocaine. Nahaharap ngayon sa kasong drug trafficking ang Pinay.
Wala pang pahayag ang Department of Foreign Affairs ukol dito, ngunit ito’y naganap matapos na maudlot sa firing squad si Mary Jane Veloso sa Indonesia na kung saan ito na-sintensyahan dahil sa kasong drug trafficking. (Mindanao Examiner)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com/ and http://www.mindanaoexaminer.net/
Share The News