Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Pinoy Explorer ni Aga Muhlach, dumayo sa exotic Sulu

Pinoy Explorer ni Aga Muhlach, dumayo sa exotic Sulu

Editor December 21, 2012
Aga-1

  Mga larawan na kuha ni Barangay Chairman Ghambrazer Hayudini sa pagdating ni Aga Muhlach at ng Pinoy Explorer team sa lalawigan ng Sulu. Makikita rin sa larawan sina Gov. Sakur Tan, Patikul Mayor Kabir Hayudini at si Barangay Chairman Ghambrazer Hayudini (Mindanao Examiner)

SULU (Mindanao Examiner / Dec. 21, 2012) – Nabighani ng husto ang grupong Pinoy Explorer ng premyadong actor at television host na si Aga Muhlach at Direc Rowell Santiago sa kagandahan ng lalawigan ng Sulu na kung saan ay doon nag-shoot ang mga ito para sa isang special episode ng tanyag na programa ng TV5.

Mismong si Gov. Sakur Tan at Mayor Kabir Hayudini ang nanguna sa daan-daang mga Tausug na siyang nag welcome sa grupo ni Aga.

Sa sobrang tuwa ni Aga sa maiinit na pagtanggap sa kanya ay gumamit pa ito ng tradisyonal at makulay na kasuotan ng mga Tausug sa Sulu.

Dinala ni Gov. Tan ang grupo ng Pinoy Explorer sa ibat-bang bahagi ng bayan ng Patikul at kalapit na lugar upang maipakita kina Aga at Direc Rowell ang kagandahan ng lalawigan.

Maging ang mga beaches sa Sulu ay maihahalintulad umano sa pangunahing beach hindi lamang sa bansa, ngunit maging sa ibang lugar.

Sinabi naman ni Barangay Chairman Ghambrazer Hayudini na nasiyahan ng husto sng grupo ni Aga sa kanilang pagbisita sa Sulu at nag-iwan pa umano ito ng mensahe sa mga Tausug na muling babalik sa lalawigan.

“Pumunta ang grupo nina Aga sa Patikul para sa isang taping ng kanyang show, yun Pinoy Explorer,” ani Hayudini sa pahayagang Mindanao Examiner.

Ipinag-handa naman ni Gov. Tan ng curacha, isang uri ng crabs; at lobster, at iba pang mga tradisyunal na pagkain ang Pinoy Explorer team.

“Natutuwa kami sa ganda ng pagtanggap sa amin sa isa sa pinakamagandang bahagi ng Pilipinas – sa Sulu…sa Patikul,” ani Aga.

Maging si Direc Rowell ay halos all-praises sa mga Muslim at ang kanilang hospitality sa Pinoy Explorer team. Hindi naman sinabi ni Direc Rowell kung kalian ipapalabas ang special episode, ngunit sa tuwing Linggo mapapanood ang Pinoy Explorer. (Mindanao Examiner)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: S&P cites Philippine economy
Next: Rep. JV Ejercito Estrada tells Aquino gov’t to help tobacco farmers

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.