Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Uncategorized
  • Publiko pinaalalahanan sa chikungunya virus
  • Uncategorized

Publiko pinaalalahanan sa chikungunya virus

Editor July 11, 2013
Mosquito-image-from-news-thomasnet-com

SARANGANI PROVINCE (Mindanao Examiner / July 11, 2013) – Maliban sa nakamamatay na dengue, naka-alerto rin ang probinsya ng Sarangani sa isa pang sakit mula sa kagat ng lamok, ang chikungunya virus.

Napabalitang nagkaroon na ng outbreak ng sakit sa mga karatig lugar sa SOCSKSARGEN o  South Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos City. Hindi man ito nakamamatay, pero kung hindi agad nagamot, maaaring tumagal ang epekto nito sa isang tao at magdulot ng arthritis.

Ayon kay Dr. Arvin Alejandro, ang provincial health officer, hindi dapat bale walain ang chikungunya. Kaya para maiwasan, naipakalat na rin ang impormasyon hinggil sa sakit sa mga munisipalidad.

Kahalintulad sa dengue ang mga sintomas ng chikungunya tulad ng lagnat, pananakit ng ulo, pagkakaroon ng rashes na may kasamang pananakit ng kasu-kasuan o severe joint pains.

Parehong vector o uri ng lamok ang nagdadala ng chikungunya virus, kaya mabisa pa ring tanggalin ang lahat ng maaaring pamugaran ng kiti-kiti. Hindi lang nangingitlog ang lamok sa mga naka-pondong tubig, kundi pati na rin sa mga kagamitang laging nababasa ng tubig.

Panawagan naman ni Governor Steve Solon sa mga residente, mag-report agad sa mga health center sakaling may napansing sintomas sa miyembro ng pamilya.

Ang chikungunya ay hindi agad nakukumpirma sa simpleng blood test lang. Kailangan pa itong ipadala sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM. Huling nagkaroon ng kaso ang Sarangani sa bayan ng Kiamba noong Disyembre 2012 hanggang Enero ng 2013. (Charito Ansagay)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Mga kagamhanang lokal gidasig paghimo ug lakang batok sa droga
Next: Hostage recovered, 2 kidnappers killed, 10 others escaped in Davao City

Related News

  • Uncategorized

Stop attacks if you want peace talks to resume, Palace to Reds

Editor December 16, 2019
  • Uncategorized

2 NPA rebels yield in South Cotabato

Chief Editor December 6, 2019
  • Uncategorized

Publiko pinagiingat sa mga ‘investment scheme’

Chief Editor November 21, 2019

Trending News

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress BLT-1 1
  • Business
  • Featured

Joy of Sharing: Jollibee Group Foundation Marks 20 Years of Impactful Partnerships and Progress

May 22, 2025
Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025 PagIBIG-Housing-Loan 2
  • National

Pag-IBIG Fund Home Loan Releases Reach P30B in Q1 2025

May 22, 2025
Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country Innovation-Day-2025-Schneider1 3
  • Business

Innovation Day Philippines 2025: Schneider Electric brings the future of energy management to the country

May 21, 2025
Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs Marawi-IDP 4
  • Mindanao Post

Bangsamoro government continues livelihood aid to Marawi IDPs

May 21, 2025
DSWD aids Filipinos returning from Sabah DSWD-aids-Filipinos 5
  • Mindanao Post

DSWD aids Filipinos returning from Sabah

May 21, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.