BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Why is the Philippines so focused on coal?
November 29, 2019
More SCAA militias deploy in Zamboanga
November 29, 2019
Show all

Sahod ng gov’t nurses itataas na?

HUWAG LANG matabunan sa bicameral conference committee, mailalabas na sa susunod na taon ang umento sa mga government nurses.

Ito ay makaraang naipasok sa Senate version ng P4.1-trilyong 2020 national budget ang ipinaglaban ni Senador Panfilo Lacson na alokasyon para rito. Sa ilalim ng probisyon sa Senate version ng pambansang badyet na “Increasing the Salary Grade of Government Nurses,” magiging Salary Grade 15 (P30,531) ang buwanang base pay ng government nurses, sang-ayon sa utos ng Korte Suprema.

“The implementation of the salary adjustment shall take effect when the decision of the Supreme Court had become final and executory, but not earlier than the start of Fiscal Year 2020,” saad sa probisyon.

Isiniwalat ni Lacson sa kanyang interpelasyon sa 2020 budget ng Department of Health noong Nobyembre 19 ang pangangailangan ng P3.173 bilyon para sa bagong salary grade ng government nurses.

Ayon pa kay Lacson, ang kakailanganing pondo para maipatupad ang utos ng Korte Suprema ay manggagaling sa inilaang pondo para sa staffing modifications at upgrading of salaries. “We can introduce a special provision and source the P3B from the P12.469B under that particular item (Miscellaneous Personnel Benefit Fund). They don’t have to wait six months or another year. By January once we enact the GAA for 2020, ang salary upgrade nila is taken care of,” ani Lacson.

Ngunit sa kabila nito, malabo naman ang kinabukasan ng mga nurses na nagta-trabaho sa mga pribadong ospital dahil mababa pa rin ang kanilang sweldo at mahaba ang oras ng duty.

At mas matindi sa mga lalawigan at lungsod sa Mindanao, at sa iba pang bahagi ng bansa dahil 12 oras ang trabaho ng mga nurses at karamihan umano ay katumbas lamang ng 8 oras ang kanilang sahod. Sa mga government hospitals naman ay palakasan rin bago makapasok ang isang nurse. (Mindanao Examiner)

 

Like Us on Facebook: The Mindanao Examiner
Like Us on Facebook: The Zamboanga Post
Follow Us on Twitter: Mindanao Examine
Mirror Site: Mindanao Examiner Blog
Digital Archives: Mindanao Examiner Digital
Media Rates: Advertising Rates

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer