Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • Sulu Provincial Women’s Council abala sa mga programa

Sulu Provincial Women’s Council abala sa mga programa

Editor January 15, 2014
H1-copy1
 

Si Hajja Nurunisah Tan ng Sulu Provincial Women’s Council sa panayam sa mga mamamahayag sa lalawigan ng Sulu. (Mindanao Examiner Photo)

SULU (Mindanao Examiner / Jan. 15, 2014) – Patuloy ang magagandang mga programa ng Sulu Provincial Women’s Council at ngayon taon ay inihahanda na nito ang mga bagong proyekto na ilulunsad sa lalawigan upang makatulong sa mas maraming mga mahihirap at nangangailangan.

Matatandaan na ang Sulu Provincial Women’s Council ang siyang nanguna sa pagpapadala ng maraming tulong at relief aid sa mga refugees sa Zamboanga City matapos ng kaguluhan doon sa pagitan ng Moro National Liberation Front at militar noon nakaraang Setyembre.

Abala ngayon ang mga miyembro ng Sulu Provincial Women’s Council sa pangunguna ni dating First Lady, Hajja Nurunisah Tan, sa mga ibat-ibang medical mission at feeding program sa koordinasyon sa Integrated Provincial Health Office at iba pang sector.

Programa

Tinututukan na rin ng Sulu Provincial Women’s Council na ma-kontrol ang maternal mortality sa lalawigan, ayon kay Hajja Nurunisah, na isang registered nurse at butihing may-bahay ni Vice Gov. Sakur Tan, na todo-suporta naman sa programa ng naturang grupo.

Sinabi ni Hajja Nurunisah na sila mismo ang nangangalap ng pondo upang magamit sa mga programa at mga prayoridad nila.

“Target namin babaan ang maternal death rate kung kaya’t every Sunday may free clinic kami at medicines (kaming ibinibigay) at we attend to mothers and children. Malaki rin dito ang percentage ng maternal rate at bumababa na rin kami sa municipal level, sa RHU (Regional Health Unit) at tulong-tulong kaming lahat para bumaba talaga ang maternal rate,” ani Hajja Nuriunisah sa mga mamamahayag.

Maging ang mga kaso na may kinalaman sa Republic Act 9262 o Violence against Women and their Children Act of 2004 ay tinututukan rin maiigi ng Sulu Provincial Women’s Council sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development.

“Actually ang data eh nasa DSWD, pero mula ng mag open kami ay every week mayroon cases ng VAWC, tapos mga child abuse, one or two (cases) every week at pag nag complain ang victims at may mga witnesses sila ipakukulong talaga namin. May isang bata nga talaga na puro pasa dahil yun sa step father na tumakas pero hinabol talaga ng mga pulis dahil nag-complain ang mother kaya ngayon nasa jail siya,” salaysay naman ni Hajja Nurunisah.

Suporta
Maging ang kahirapan sa lalawigan ay ginagawan na rin ng paraang ng Sulu Provincial Women’s Council upang matugunan o mabigyan ng pagkakakitaan ang mga kababaihan. Noon nakaraang buwan lamang ay nangako umano si Gov. Mujiv Hataman na tutulong sa mga programa ng Sulu Provincial Women’s Council, partikular sa pagtatatag ng mga maliliit na negosyo para sa mga kababaihan.

“Poverty, yun ang pinakamalaking problema dito kaya nga last December 24 ay nandito si RG (Regional Governor Hataman), sabi ko sa kanya tulungan mo kami kasi yun mga kababaihan dito eh walang hanap-buhay…almost 80% walang hanap-buhay at nasa bahay lang tapos yun mga asawa nila minsan wala rin hanap-buhay so at least ang sabi ko sa (pamamagitan ng) tulong ninyo eh makakapaglagay ng mga small scale na mga businesses at pwede na natin tulungan sila kahit papaano..mga vendors matutulungan natin,” wika pa ni Hajja Nurunisah.
Todo naman umano ang suporta ni Gov. Hataman at ipinangako rin nito na maging ang kanyang asawa na si Rep. Djalia Hataman ay tutulong rin upang maisa-ayos ang mga programang.

Pangkabuhayan

Ayon kay Hajja Nurunisah ay tinanong siya ni Gov. Hataman kung anong programa ang kailangan sa Sulu at sinabi nito na livelihood ang mahalaga para sa mga kababaihan.

“Dito sabi ko livelihood (program) so yun nga nagkatugma dahil yun din daw ang plano ng misis (Rep. Djalia Hataman)  niya…small scale businesses…vending, papahiram ng capital tapos small businesses, mga vendors, tapos every week sabi niya kahit konti lang ay dapat may return (ng capital) at hindi yun dole out para naman hindi sabihin na dole out o bigay lang yan, so ang iba eh hindi na nila gagamitin para sa business kasi bigay naman ito, so ang labas eh hindi dole out at maghanap-buhay sila…talagang residente sila ng area na yan at namo-monitor namin na hindi yun come and go na bibigyan mo ng konting halaga eh hindi na babalik dito sa Jolo o hindi namin alam kung ang municipality, hindi , so we will involved all the 19 municipalities lahat yan at may kanya-kanyang papel yan kung anong plano ang gagawin namin na makakapaghanap-buhay talaga sila and at saka may returns na yun returns every month may iba na naman grupo ang matutulungan,” wika ni Hajja Nurunisah.

“When I brought out the plan of small-scale business (for the women), so sabi (ni RG) pagbalik ng asawa niya gusto nilang makipag-usap sa amin para daw lahat ng tulong sa kababaihan ididirekta na sa Sulu Provincial Women’s Council at sinabi ko na I can assure you na pag Sulu Provincial Women’s Council ay talagang makikita ninyong implemented (ang mga proyekto) at sabi ko monitored kasi,” dagdag pa ni Hajja Nurunisah.

“Sa ibang province daw ay marami silang naibibigay tapos hindi masyadong namo-monitor at tapos wala na raw at hindi na nila alam kung ano ang nangyayari kung nandiyan pa ba ang pera o kung may natulungan o wala at sabi ko (naman) I can assure you na lahat ng officers ko, head of offices ang sabi ko, ang members ang mga mayors lahat babae…puro president ng municipalities nila so nakaka-monitor talaga kami kung ano ang mga activities namin.”

Suportado naman ng mga mayors ng lalawigan at iba pang mga sektor ang programa ng Sulu Provincial Women’s Council na aktibo sa ibat-ibang mga proyekto dito. (May dagdag na ulat mula kay E. Dumabo)

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Police intercept marijuana shipment in Zamboanga airport
Next: Philippines improves ranking in Heritage Foundation Index of Economic Freedom

Trending News

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental Anna-Rosal-Verga 1

DTI backs wearables, homestyle enterprises in Davao Oriental

May 20, 2025
Two new Begonia species discovered in Davao Oriental Begonia1 2

Two new Begonia species discovered in Davao Oriental

May 20, 2025
Tourism driving change in Isabela City de Basilan basilan 3

Tourism driving change in Isabela City de Basilan

May 20, 2025
Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs DMW-logo 4

Filipinos in Hong Kong warned against offers of surrogacy jobs

May 20, 2025
PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025 TPB2 5

PH scores record P1.18-B sales leads at Arabian Travel Market 2025

May 20, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved.