
Makikita sa larawan ang donasyon ng mga bota ng Sunpride Foods sa Mandaue City sa larawang ito na inilabas ng lokal na pamahalaan.
CEBU – Nagbigay ng donasyon na 180 pares ng bota o rubber boots ang Sunpride Foods sa Mandaue City upang magamit ng pamahalaang lokal para sa mga empleydao at trabahador na nangangailngan nito.
Mismong si Kevin Castillo, isang opisyal ng Sunpride Foods, ang nanguna sa pagbibigay ng donasyon kasama si Councilor Beethoven Andaya na siya naman tumanggap nito.
Sinabi ni Andaya na ipapamahagi ang mga bota sa mga miyembro ng Traffic Enforcement Agency of Mandaue, sa slaughter house, mga garbage collectors at lokal na pulisya.
Nagpasalamat naman ang pamahalaang lokal sa suporta ng Sunpride Foods na siyang nasa likod ng mga processed foods at de-latang tulad ng Holiday beef loaf at maraming iba pa.