
ZAMBOANGA CITY – Isang 50-anyos na tomboy na lango sa alak ang nasawi matapos itong bumagsak sa kalasingan at hindi na magising sa harapan mismo ng mga istambay sa Zamboanga City.
Inakala umano ng mga nakasaksi na lango lamang sa alak ang biktima na nakilalang si “Lucia Tomboy” kung kaya’t pinabayaan lamang ito, ngunit ng matagpuan ito ng mga tanod sa Alejo Alvarez Street ay hindi na umano humihinga ang biktima.
Tumawag pa ng ambulansya ang mga tanod upang madala sa ospital si Lucia, ngunit patay na ito ng kanilang maabutan sa kalsada. Nabatid na may hypertension umano ang biktima at maaaring inatake ito kung kaya’t bumulagta na lamang.
Walang pahayag na ibinigay ang pamilya ni Lucia sa biglaang pagpanaw nito. (Mindanao Examiner)