Skip to content
The Mindanao Examiner Regional Newspaper

The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Title

Name

Primary Menu
  • Home
  • Mindanao
  • Visayas
  • National
  • Features
  • Opinion
  • Business
  • International
  • SciTech
  • Health & Wellness
  • Sports
  • About Us
    • Regional Advertising Rates
    • Contact Us
    • Profile
  • Home
  • TVI mining firm nilusob ng mga raliyista

TVI mining firm nilusob ng mga raliyista

Editor November 27, 2014
10488183_339433529540472_7119256800099831538_n

 Ito ang palatandaan ng mga nakaarang protesta ng mga Subanen kontra TVI Resource Development, Ic. sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur province. (Mindanao Examiner Photo)
 

MANILA – Nahagip ng malaking protesta ang TVI Resource Development, Inc. sa harapan ng tanggapan nito sa Makati City matapos na lumusob doon ang mga environmental advocates na tutol sa mining operations ng kumpanya sa Mindanao.

Kasama rin sa mga nag-rally ang mga miyembro ng Panalipdan Mindanao sa pangunguna ni Dulping Ogan, ang secretary general ng naturang grupo na galing pa sa katimugan ng bansa.

Inakusahan ng mga raliyista ang TVIRD – na pagaari ng Canadian company na TVI Pacific – ng kung anu-anong bintang at kabilang dito ang alegasyon na maraming mga natibong Subanen ang apektado ng large scale mining operations ng kumpanya sa Zamboanga Peninsula na kung saan ay may open-pit ito na siyang ikinababahala naman ng mga environmentalists dahil sa nakaambang peligro na posibleng magiba ito sa dami ng waste water mula sa minahan.

Libo-libong natibong small-scale miners ang sinasabing apektado ng mining operation ng TVIRD sa bayan ng Bayog sa Zamboanga del Sur province. Lumipat doon ang TVIRD matapos na mahinto ang open-pit mining operations nito sa kabundukan ng bayan ng Siocon sa Zamboanga del Norte.

Wasak ang malaking bahagi ng Mount Canatuan sa Siocon dahil sa mining operations.

Mahigpit rin ang pagtutol ng Katolikong Simbahan at ni Zamboanga del Norte Bishop Jose Manguiran na siyang nangunguna sa mga protesta kontra TVIRD.

Noong nakaraang taon lamang ay nagtungo rin sa bayan ng Bayog ang mga religious leaders at human rights advocates na tutol sa operasyon ng TVIRD para sa isang solidarity mission at kabilang sa mga ito ay si Bishop Antonio Ablon, isa sa mga conveners ng Advocates for Peace.

Sinabi ni Bishop Ablon, ng Diocese of Pagadian City-Iglesia Filipina Independiente, na nakipag-usap sila sa mga residente ng nasabing bayan kasama sina Bishop Manguiran at miyembro ng United Church of Christ in the Philippines, Rural Missionaries of the Philippines at Karapatan at tutol diumano ang mga natibo sa mining operations sa Bayog.

Nabatid na may Mineral Production Sharing Agreement ang TVIRD para sa 4,779 hectares sa Bayog. Bukod sa Bayog ay may nickel mining operations pa ang TVIRD sa Agusan del Norte province.

Target naman ng New People’s Army ang TVIRD dahil tutol rin ito sa mining operations ng kumpanya at dahil na rin sa mga alegasyon ng ilang grupo laban sa kanila. Ilang ulit ng itinanggi ng TVIRD ang lahat ng akusasyon laban  sa kanila. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net

fb-share-icon
Tweet 20

Continue Reading

Previous: Rising “star” in Sogod, another Cebuano pride
Next: Thousands march for peace in Sulu

Trending News

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines Jeffrey-Navarro,-Country-Manager,-Visa-Philippines 1
  • Business

Visa Stays Ahead of the Curve in AI-Driven Commerce in the Philippines

July 1, 2025
Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements Singapore-Airline 2
  • Business

Singapore Airlines Group continues progress on Decarbonisation Journey with Neste and World Energy Agreements

July 1, 2025
Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA Official-Artwork-for-PR2025-14 3
  • National

Pag-IBIG Fund Earns 13th Straight Unmodified Opinion from COA

July 1, 2025
Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage Michael-Harris-Conlin 4
  • Sports

Michael Harris Conlin Wins 2025 Philippine Barista Championship, Paving the Way for Philippine Coffee on the World Stage

June 30, 2025
Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore CKD1 5
  • Health

Millions At Risk: Why Chronic Disease is a Crisis We Can’t Ignore

June 27, 2025
  • Facebook
  • X
  • YouTube
  • Blog
Copyright © 2025. The Mindanao Examiner Regional Newspaper. All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.