PAGADIAN CITY – Puspusan ngayon ang paghahanda at panawagan ng Zamboanga del Sur Provincial Disaster Risk Reduction Management Office kasunod sa pananalasa ng bagyong Ineng sa Luzon.
Sinabi ni Wilfredo Asoy Jr. , hepe ng PDRRMO, na kahit hindi naman tumama ang bagyo sa lalawigan ay malakas naman ang buhos ng ulan dala ng hangin habagat na posibleng makaranas ng baha at paguho ng lupa sa mga lugar na naunang sinalanta ng mga kalamidad.
Umaasa si Asoy na susundin ng mga residente ang abiso mula sa kanilang tanggapan kung sakaling magbabadya ang kalamidad sa buong lalawigan.
Ang Zamboanga del Sur ay patuloy na nakaranas ng ulan kung kaya mino-monitor na ng pamahalaan ang mga costal areas at maging mga ilog at kabundukan. (Christina Diabordo)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News