BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Ex-NPA rebel, itinumba sa North Cotabato
August 27, 2018
Paslit, nalunod sa canal
August 27, 2018
Show all

2 mekaniko utas sa pamamaril

NORTH COTABATO – Patay ang dalawang mekaniko matapos silang pagbabarilin ng ‘di-pa nakilalang  salarin sa harap ng isang restoran sa highway na sakop ng Barangay Osias sa bayan ng Kabacan sa North Cotabato.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Rofel Ryan Tomas Domingo, 27, at residente ng Purok A1 sa Barangay Katidtuan; at Jay Ar Ramos, 20, ng Purok Saranay sa Poblacion.

Sa panayam kay Chief Inspector Ronnie Cordero, hepe ng pulisya sa Kabacan, alas-10:45 Linggo ng gabi, habang pasakay na sana sa kanilang motorsiklo ang dalawa ay bigla na lamang silang nilapitan ng isang armado at saka pinagbabaril.

Bago ang insidente ay may naka-away ang dalawa sa bahagi ng Sunrise Street pasado alas-10:00 ng gabi, ayon kay Cordero. Giit ng opisyal na ang nasabing resto ay bawal ng tumanggap ng customer pagsapit ng alas-10:00 ng gabi.

Naisugod sa bahay pagamutan ang mga biktima pero kapwa binawian din ng buhay. Tinangay naman ng suspek ang motorsiklo na gamit ng mga biktima at tumakas sa direksiyon ng bayan ng Datu Montawal sa lalawigan ng Maguindanao.

Agaw motorsiklo ang anggulong tinututukan ng pulisya, ayon kay Cordero. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/

 

 

34,087 total views, 2 views today