BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Misinformation, black propaganda spread in Sulu
January 2, 2016
Sayyaf dedbol sa labanan
January 4, 2016
Show all

ZAMBOANGA CITY – Patay ang isang driver ng overloaded na motorsiklo sa Zamboanga City matapos itong mahagip ng military truck na may lulang bangkay ng mga sundalong nasawi sa labanan sa Sulu province.

Sugatan rin ang 5 pasahero ng motorsiklo, kabilang ang 2-anyos na bata na nakilalang si Stephani Gregorio. Sinabi ng pulisya na nasawi ang driver ng motorsiklo na si Felix Gregorio, 38, matapos na tumilapon ito at humampas sa pader sa highway kamakalawa.

Nakilala naman ang ibang mga sugatan na sina Fascuala Gregorio, 33; Nenita Ricarda, 38; Angelica Cuartocruz, 13; Langlang Ortigas, 14.

Nabatid na patungo sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur ang naturang truck ng army ng mag-overtake ito at mahagip ang motorsiklo sa kabilang lane ng kalsada.

Sinabi ng pulisya na nagkaayos na umano ang militar at pamilya ng nasawi at mga sugatan sa nasabing aksidente. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

1,118 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer