BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Killer truck!
January 3, 2016
Heavy gunfire as Indian airbase siege enters third day – Al Jazeera
January 4, 2016
Show all

Sayyaf dedbol sa labanan

ZAMBOANGA CITY – Napatay diumano ng militar ang isang Abu Sayyaf sa panibagong sagupaan ngayon Lunes sa bayan ng Patikul sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay patuloy ang opensiba ng pamahalaan kontra rebeldeng grupo.

Nabawi rin sa labanan ang tatlong automatic rifles at mga bala, kabilang ang dalawang motorsiklo, na naiwan ng mga rebelde sa kanilang pagtakas mula Barangay Liang. Walang inulat na sugatan sa panig ng militar.

Nabatid na naglunsad ng operasyon ang Marine Battalion Landing Team 8 sa nasabing bayan ng makasagupa ang isang grupo ng mga rebelde. Kamakailan lamang ay nakasagupa rin ng mga tropa ang maraming Abu Sayyaf sa naturang lugar at isang tinyente ng army ang nasawi sa labanan.

Tatlong bata rin ang tinamaan ng ligaw na bala sa bayan na kilalang kuta ng Abu Sayyaf. Hindi nagbibigay ng anumang pahayag sa media ang alkalde ng Patikul sa mga nagaganap sa kanyang lugar. (Mindanao Examiner)

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com / http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Share The News
https://mindanaoexaminer.com/ad-rates

1,021 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer