BIGtheme.net http://bigtheme.net/ecommerce/opencart OpenCart Templates
Dozens of soldiers wounded in Sayyaf fighting in Sulu
August 23, 2018
NFA rice stock arrives Zamboanga, but traders limit sale
August 24, 2018
Show all

Agri-trader, ninakawan at pinagbabaril sa North Cotabato

KIDAPAWAN CITY – Masuwerteng nakaligtas sa karit ni kamatayan ang isang negosyanteng magsasaka matapos na pagbabarilin ng isa da 2 lalaki tumangay sa kanyang kita mula sa ani nito sa bayan ng Carmen sa North Cotabato.

Ayon sa pulisya, naganap ang krimen sa gilid ng highway sa mismong Poblacion ng naturang bayan nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ni Senior Inspector Gaspar Maguiwe, deputy chief ng Carmen PNP, ang biktima na si Roy Bautista Angcaco, 51, at isang agri-trader na residente ng Purok-9.

Batay sa ulat, alas-5:00 ng hapon habang naka-upo lamang ang biktima sa kanyang motorsiklo na nakaparada sa labas ng isang hardware ng lapitan ng dalawang mga armadong kalalakihan at binaril si Angcaco. Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang likod at dibdib na mabilis namang isinugod sa bahay pagamutan.

Tinangay naman ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P700,000 na cash mula sa inani nitong mga produktong agrikultura. Robbery ang nakikitang motibo sa pagbaril sa biktima, ayon sa pulisya. (Rhoderick Beñez)

 

Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read And Share Our News: https://www.mindanaoexaminer.com/
http://mindanaoexaminernewspaper.blogspot.com/
Digital Archives: https://issuu.com/mindanaoexaminernewspaper
See Media Rates: https://mindanaoexaminer.com/ad-rates/

7,620 total views, 1 views today

Deskman
Deskman
https://www.facebook.com/mindanaoexaminer