
ZAMBOANGA CITY – Isang residente ang dumulog kahapon sa pulisya matapos na umano’y mahukay nito sa kanyang bakuran ang napakaraming bala ng anti-aircraft gun na naiwan noon World War II sa Zamboanga City.
Ayon sa pulisya, ililibing sana ni Ronilo Claveria ang kanyang asong namatay kung kaya’t naghukay ito, ngunit laking gulat umano ng bumulaga sa kanya ang mga corroded na bala na umabot sa 116 piraso.
Malapit ang bahay ni Cleveria sa kampo ng militar sa Governor Ramos Avenue sa Barangay Santa Maria.
Sinabi naman ng pulisya na lubhang delikado ang mga bala dahil maari pa itong sumabog. Nabatid na pulos mga 25mm ang mga bala at gamit ito sa mga anti-aircraft guns at bilang bala para sa super magnum sniper rifle.
Agad naman nabawi ng Explosive Ordnance Disposal team ang mga bala at sinabi ni SPO3 Joselito Joaquin na dinala sa Central Police Office ang mga ito upang masuri. (Ely Dumaboc)
Like Us on Facebook: https://www.facebook.com/mindanaoexaminer
Follow Us on Twitter: https://twitter.com/MindanaoExamine
Read Our News on: http://www.mindanaoexaminer.com and http://www.mindanaoexaminer.net